21 NPA members sumuko sa Sultan Kudarat

KORONADAL CITY – DALAWANGPU’T-isang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa gobyerno sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat.Ayon kay Col. Eduardo Gubat, Commander ng 603rd Infantry Brigade, pinangunahan ng isang Ariel Odas Apang, CO ng Dragon Fruit Platoon, East Daguma Front, ang pagsuko ng kanilang myembro.Bitbit naman ang mga nagbalik-loob na mga rebelde ang nasa 21 matataas na kalibre ng mga baril, bala at mga kagamitang pang-giyera.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Pinasiguro naman provincial government ng Sultan Kudarat na maka-tatanggap ng tulong sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno ang mga sumukong rebelde.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa ngayon, patuloy ang panawagan ni Major General Juvymax Uy, Commander ng JTF Central at 6th Infantry Division sa mga rebeldeng grupo sa bulubunduking bahagi ng nasabing probinsya na sumuko na sa gobyerno upang makapag-simula ng panibagong buhay.