21-days quarantine ng BJMP personnel bago magduty hakbang upang makaiwas sa Covid-19

SORSOGON CITY – Obligado ang mga jail personnel na sumailalim muna sa 21-days home quarantine bago ang mga ito mapayagang pumasok sa kanilang mga trabaho at magduty.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Sorsogon head Jail Chief Inspector Atty. Rodolfo Verzosa Jr., hakbang ito upang masigurong hindi mahahawa at talagang magiging ligtas sa COVID-19 ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa mga jail facilities.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Aniya, sa loob ng nasabing peryodo ay hindi maaaring lumabas at kinakailangang manatili lamang sa loob ng kanilang mga tahanan ang nasabing mga jail personnel kung saan kumpleto pa rin ang sahod na tatanggapin ng mga ito.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Una rito, sinabi ng opisyal na ang nasabing patakaran ay hindi lamang sa BJMP-Sorsogon ipinapatupad kundi sa lahat ng mga piitan na saklaw ng nasabing ahensya.