Tiniyak ni Senate Finance Committee chairperson Senador Sonny Angara na hindi ni-railroad pagpasa sa P5.268Trillion na 2023 National Budget.
Ito ay makaraang maritipikahan na ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang bersyon ng Bicameral Conference Committee para sa Pambansang Budget sa susunod na taon.
Ayon kay Angara, bagamat mabilis na na-aprubahan ang panukala, hindi naman ito nangangahulugang minadali ito ng mga Kongresista.
Sa katunayan, mahigpit pa rin daw itong hinimay, pinagdebatehan, at inusisa ng mga contingent ng Senado at Kamara.
Muli namang tiniyak ng Senador na ang nabuong batas para sa budget ay pasok sa mga ipinapanukalang proyekto at mga programa ng Marcos administration.
#
Safeguards sa paggasta ng Confidential at Intilligence funds
Nanindigan si Senate Finance Committee chairman Sen. Sonny Angara na mayroon safeguards at mga panuntunan sa kung papaano gagastahin ang mga confidential at intilligence funds na inilaan ilang ahensiya sa ilalim ng budget bill.
Sa isang panayam sinabi ni Angara na sa ilalim ng bicam version ng P5.268-trillion 2023 National Budget, may probisyon doon kung saan obligado ang mga ahensiya na magreport quarterly sa kung paaano ginastos ang naturang pondo.
Ito umano ay bahagi ng assessment sa paggasta sa CIFs kung saan magbibigay ito ng ulat sa Pangulo at sa mga lider ng senado at kamara.
Dagdag pa ng senador na lingid sa kaalaman ng publiko ang kontrobersiyal na pondo ay sakop ng Committee on Audit guidelines at hindi basta-basta maaring ilabas sa ibang paggastusan.
Sa usapin ng CIF ng Department of Education, nilinaw ni Angara na ang naturang pondo ay maaring gamitin para safety and security ng mga studyante at education stakeholders sa mga paaralan.
Nabatid na inalmahan ng ilang senador ang pagbabalik sa P150-million ng CIF ng DedEd sa BiCam version ng budget bill matapos itong tapyasan ng P120-Million sa bersiyon ng senado.
#