2016 Arbitral Ruling, dapat gunitain taun-taon

Naniniwala si Senator Risa Hontiveros na maaring makatulong ang taun-taong paggunita sa tagumpay ng Pilipinas sa artbitral ruling noong 2016 sa pagpapahina ng “spurious claims” ng China sa ating teritoryo.

Ayon kay Hontiveros, hindi dapat huminto ang bansa sa pagsiwalat ng katotohanan lalo na sa paulit-ulit na kasinungalingan at propaganda ng Tsina.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Hinikayat naman din niya ang lahat na pagtibayin pa ang kaalaman ng bawat mamamayan sa ating karapatan sa West Philippine Sea.

Dagdag pa ni Hontiveros, kailangang gawin ng gobyerno ang lahat ng posibleng aksyon upang pangalagaan ang ating pambansang soberanya.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Kaugnay dito, magandang kahit isang beses lang sa bawat taon ay ipagbunyi natin ang West Philippine Sea bilang pagpapakita ng tapang at puso ng bawat Pilipinong tumindig sa Tsina.