Nagtapos na sa isinagawang iba’t ibang skills training ng TESDA-Isabela ang 200 na indibidwal mula sa Palanan, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa TESDA Region 2, nasa 45 na residente ang nagtapos sa Cookery NC II and Food Processing NC II sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TWSP).
Habang ang 155 na iba pa ay dumaan naman sa community-based trainings sa Fish Processing, Banana Processing at Cake Making na isinagawa sa Isabela School of Arts and Trades (ISAT).
Nangako naman si TESDA Regional Director Archie Grande ng panibagong skills training program sa mga residente ng Palanan, Isabela.
Ang nagsipagtapos na mga residente na scholars ng TESDA ay nakatanggap din ng allowance habang bawat barangay naman ay nabigyan ng Portable Solar Dryers mula sa DOST Region II.