20 Pinays, lumahok sa Gilas camp sa California para sa Philippine Women’s 16U national team

Lumahok ang nasa 20 na mga Pinay sa ginanap na Gilas camp sa California para makasama sa Philippine Women’s 16U national team.

Pinangunahan ito ni Fil-Am Nation Select at Gilas Girls team coordinator Cris Gopez bilang preparasyon para sa FIBA U16 Women’s Asian Championship na gaganapin sa Jordan.

Ilan sa mga lumahok ay galing pa sa Canada at Australia kabilang ang high school freshman na si Samantha Medina.

Samantala, wala pang final numbers kung ilang Filipina players na galing sa iba’t-ibang bansa ang makakasama sa naturang team. (ARGIE ERGINA)