20 bagong kaso ng COVID- 19 naitala sa Camarines Norte noong nakaraang linggo

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng 20 bagong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte noong nakaraang linggo.

Batay sa datos ng Department of Health ang mga bayan na nakapagtala ng panibagong kaso ay ang Daet na may 11, Labo 4, Sta Elena 2 at tig iisang kaso sa Mercedes, Paracale at San Vicente.

Nakapagtala naman ng 13. 4 percent healthcare utilization rate ang lalawigan na may 13. 4 percent.

Sa 134 na na COVID- 19 beds ay 18 ang nagamit habang wala namang naitalang paggamit sa ICU beds for Covid at mechanical ventilators.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sa ngayon ay mayroong kabuuang 117 na aktibong kaso ng sakit ang lalawigan mula sa 114 sa pagtatapos ng nakalipas na linggo.

Pinangagambahan din na tataas pa ito lalo na ngayong mas pinaluwag pa ang mga restrictions.

Nitong Lunes ay niluwagan na ang face mask mandate sa bansa kasunod ng ipinalabas na Executive Order ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Inaprubahan ng Pangulo na boluntaryo na ang pagsusuot ng face mask sa open spaces.

Batay  sa Executive No. 3, nakasaad na effective immediately na magiging opsyonal na lamang ang pagsusuot ng face mask sa mga open area pero dapat may magandang bentilasyon ang isang lugar at gawin pa rin ng social distancing.

Habang ang hinihikayat ang senior citizens, mga immunocompromised at walang bakuna o hindi kumpleto ang bakuna na magsuot ng face mask kahit nasa open area.