2 patay sa pamamaril sa Puerto Princesa City

Patay ang isang babae at isang lalaki matapos na barilin sa Barangay Kamuning, Puerto Princesa nitong Sabado ng gabi, ika- 17 ng Disyembre 2022.

Ang insidente ay kinumpirma sa Brigada ni Punong Barangay Mael Barrientos.

Ayon sa opisyal, inabutan pa nila sa crime scene ang mga katawan ng biktima sakay ng tricycle ( topdown).

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa inisyal na pagsisiyasat ni Kapitan Barrientos sa mga bangkay ay pareho itong may tama ng bala sa ulo.

Narekober ng awtoridad sa crime scene ang limang ( 5) basyo ng bala noong gabing iyon.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Napag-alaman ng punong barangay na may ihahatid di umano na kalan ang mga biktima sa Kamuning bago mangyari ang pamamaril.

Samantala, hindi pa naglalabas ng mga pangalan ng biktima ang pulisya.