Patay ang dalawang tao habang marami ang missing sa nangyaring landslide sa isang highway sa southern Brazil.
Sa inisyal na report, bumagsak ang malaking volume ng putik sa BR-376 highway sa Parana state kung saan umabot sa 16 na sasakyan ang natabunan at napinsala.

Napag-alamang nahihirapan ang mga rescuers dahil maliban sa liblib ang lugar, masama din ang panahon na peligroso din sa mga otoridad.
Base naman sa report ng local authorities sa lugar, pinangangambahang aabot sa 50 na tao ang nawawala habang nasa 6 na survivors pa lamang kabilang ang alkalde ng bayan ng Guaratuba na si Roberto Justis ang nasa ligtas nang kalagayan.
Nangangamba din ang mga otoridad sa posibleng iba pang insidente ng landslide sa lugar dahil patuloy pa ang mga pag-ulang nararanasan. (LNM)