2 NPA sumurender sa Sorsogon

Dalawang miyembro ng New People’s Army ang sumurender sa pamahalaan kahapon, Hunyo 27.

Para sa kanilang seguridad ay pinangalanan lamang ang mga ito na sina Hector, 37-anyos at Diego, 45-anyos.

Boluntaryong isinuko ng dalawa ang sarili sa Sorsogon Police Provincial Office, RMFB5, CIDG-PFU, Phil Army at Phil Air Force.

Read More:  High-ranking NPA leader killed in Albay clash

Napag-alaman na ibinaba rin ng mga ito ang isang M16 A1 rifle, 35 pirasong bala para sa nasabing baril, dalawang mahabang magazine at bandolier.

Sina Ka Hector at Diego ay kapwa umano nauugnay sa Larangan 1, Komite Probinsyal 3 ng Bicol Regional Party Committee (BRPC).

Read More:  17-year-old girl dies in drowning in Cebu as father raises foul-play concerns

Sinabi ng mga ito na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagpasya silang magbalik-loob sa pamahalaan.

Isasailalim ang mga ito sa taktikal na interogasyon.