2 North Koreans, sinentensiyahan ng 12 taong hard labor dahil sa K-Drama

Ibinunyag ng isang  South Korean think tank ang rare footage na nagpapakita ng dalawang 16-anyos na North Korean high school student na sinentensiyahan ng 12 taong hard labor dahil sa panonood ng K-drama at pelikula.

Makikita ang dalawang estudyante sa video na nakatayo sa isang show trial sa harap ng kanilang daan-daang mga kasamahan.

Pinuna rin dito ang mga babaeng residente ng North Korea paggamit ng mga istilong “dayuhang damit,” tulad ng pagkakaroon ng kulay ang buhok, shorts, masikip na pantalon, at tsinelas.

Ayon sa mga naglilitis, naiimpluwensyahan ang mga ito ng propaganda mula sa South Korea at western capitalist countries.