2 negosyante sa Puerto Princesa, tiklo sa Human Trafficking

Kulong ang dalawang negosyante matapos silang arestuhin ng Pulisya sa Malvar St. Barangay Mandaragat, Puerto Princesa City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Edith Scheer Marshall @Edith at Verena Scheer @Ayen/ Ai-Ai.

Ayon sa Puerto Princesa City Police Office, inaresto ng Police Station 1 at CIU sa pangunguna ni PMAJ JEFREY G ABONALES sa bisa ng arrest warrant ganap na 3:50 ng hapon nitong Lunes, June 6, 2022.

Ipinag-utos sa awtoridad ni Judge Leah E. Delos Reyes Baguyo ng RTC Br. 48 na arestuhin ang dalawa dahil sa kasong paglabag sa expanded Anti Trafficing in person act of 2012 RA 10364 Qualified Trafficing in person under sec. 4, par. (a) and (e) of RA 10364 in relation to Sec.6 par. c of RA 9208.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Ang mga kasong ito ay walang inirerekomendang piyansa ang hukoman.

Samantala, ang mga kaso ay nag-ugat sa reklamo ng dati nilang tauhan sa Night Club na pagma-may-ari ng dalawang suspek, ayon sa NBI Palawan

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

“2018 pa ‘yung case na ‘yan. May nagreklamo [ sa’tin ], nakuhanan natin ng statement… binugbog pa, idenitane , hindi pinapalabas . Eventually finile natin ‘yan. Doon namin in-endorse sa Task Force on Human Trafficking sa DOJ Manila. Tumakas [ang victim] , inimbestigahan namin lahat. Pina-medical natin kung ano mga dapat. Binigyan din natin ng due process ang mag-ina. In fact sinubpoena natin ‘yan pero hindi pumunta sa opisina. 2018 pero nai-file noong 1st quarter ng 2019.” NBI Palawan Head Agent Norman Decampong sa panayam ng Brigada