NAGA CITY – Dalawang mga menor de edad ang narescue ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa umano’y bahay na ginagawang pot session area sa Naga City.
Posibleng namang kasuhan ng child trafficking ang isang 20-taong gulang na binatang na taga Milaor, Camarines Sur na kasama niya sa isang bahay sa Barangay Balatas noong nakaraang araw.
Ang naturang bahay ay ginagawang umanong pot session area ng mga menor kasama ang itinuturong lider na binata.
Batay sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Gloria Rodriguez, admin aide 1 ng CSWDO sinabing nasa pangangalaga nila ngayon ang dalawang menor ; may anak na ang isa at isa na sinasabing buntis ay nasa magulang nito.
Tuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa mga magulang ng mga bata para malaman kung ano ang plano sa naturang binata, kung kakasuhan ba o hindi.
Dismayado naman sina Rodriguez dahil may mga magulang na kinukunsinte na lamang ang anak nilang menor na nagre resulta sa ganitong maagang pagkakamali, ang iba naman ay kahit anong disiplina ay hindi nadadala.