2 mataas na pinuno ng isang militanteng grupo, napatay ng Pakistani Police

Dalawang mataas na pinuno ng isang militanteng grupo ang napatay ng Pakistani police.

May $7,259 bounty na ibinigay ang gobyerno sa dalawang commanders na napatay.

Pinalakas ng Pakistan ang kanilang operasyon laban sa mga militanteng grupo matapos ang pagdagsa ng karahasan ng Pakistani Taliban partikular sa hilagang-kanlurang lalawigan ng Khyber Pakhtunkhwa.

Sinabi ni regional police officer na si Muhammad Ali Gandapur, ang mga napatay na TTP fighters ay pinaghahanap kaugnay ng pagpatay sa limang pulis at sangkot din sa mga pag-atake sa mga security checkpoints sa bansa.//CA