2 lola inaresto dahil sa paglalaro ng “tong-its” sa Polangui, Albay

LEGAZPI-Arestado ang dalawang lola matapos maaktohan ito na naglalaro ng ilegal na pagsusugal sa Brgy. Alnay, Polangui, Albay.

Kinilala ang mga suspek na sina Alejandra Molina Barbacena, 67 anyos at si Madeline Oro Echevarria, 66 anyos parehong residente ng nasabing barangay.

Read More:  Three CTG members surrender in Caraga as Army unearths arms cache

Ayon sa report, hapon ng makatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang concerned citizen tungkol sa ilegal na pagsusugal.

Dahil dito agad na pinuntahan ang upang magsagawa ng Anti-Illegal Gambling Operation (Violation of PD 1602).

Nang marating ang lugar ay dito na tumampad sa operatiba na maabotan ang mga ito na naglalaro ng tong its.

Read More:  Laundry whitening product suspected in gulaman that sickened 29 students in Davao Del Norte

Agad na na inaresto ang mga ito at narekober sa kanila ang isang baraha at pera na ginamit sa pagsusugal.

Ang mga suspek ay pansamantalang inilagay sa kostudiya ng polangui mps para sa kaukulang disposisyon.