Natagpuan na kaninang umaga ng mga rescuers sa pangunguna ng Masinloc Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ang dalawang lalaking nawawala kahapon ng hapon matapos tangayin ng dagat sa Brgy. Bani.
Ayon kay MDRRM Officer Joel Tovera, may isang batang babae ang nalunod na iniligtas ng isang lalaking taga Pangasinan subalit tinangay ng tubig ang lalaki.
Para mailigtas ang biktima ay may tao sa lugar ang sumubok na iligtas ito pero tinangay rin ng tubig ang isa pang lalaking residente ng Colliat na nagtutulak na sana umano ng bangka.
Kaninang umaga sa pagitan ng alas otso hanggang alas nwebe ay narekober ang katawan ng dalawang lalaki sa magkaibang bahagi ng bayan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: Kon. Hazel Lim