2 katao, huli sa buy-bust operation sa lunsod ng Legazpi, Albay

LEGAZPI CITY – Tiklo ang dalawang katao sa isinagawang buy-bust operation sa P-1, Brgy. 19, Cabangan, lunsod ng Legazpi.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Virgilio”, 50 anyos at si alyas “Myra”, 43 anyos na parehong residente ng nabanggit na barangay.

Read More:  Barangay chairman of Barangay Lamintak Sur, Medellin arrested for qualified theft

Ayon sa report, nagkasa ng anti-illegal drug operation ang Legazpi CPS katuwang ang 503rd Maneuver Company RMFB5; at 2nd APMFC laban sa mga suspek.

Pinagbentahan nito ang isang poseur buyer ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na may lamang pinaniniwalaang shabu sa halagang P6,500.

Read More:  Grade 10 student dies after lightning strike during Cebu beach picnic

Nang makatunog na ang katransaksyon ay isa pa sa mga otoridad ay dito na sila inaresto.

Aabot sa P6,800 halaga ng shabu ang nasamsam mula sa mga suspek.

Sa ngayon, ang mga suspek ay nasa kostudiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.