2 FRs nabigyan ng pabahay ng pamahalaan

SORSOGON CITY – Nabigyan ng pabahay ang dalawang rebelde na nagbabalik loob sa pamahalaan bilang tugon sa pangunahing pangangailangan ng mga ito, sa bayan ng Mandaon, lalawigan ng Masbate.

Naaayon ang programa sa EO No. 70 ng Pangulo para mabigyan ng panibagong pagkakataon at magkaroon ng sarili at maayos na tirahan ang mga dating rebelde at pamilya nito.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Nakumbinsi umanong sumurender ang dalawang rebelde kasama ng mga pamilya nito dahil sa mga programang inilahad sa pamamagitan ng Retooled Community Support Program-Counter White Area Operations na isinagawa sa Sitio Tulda, Brgy. San Juan, Mandaon, Masbate.

Read More:  26 hurt as modern jeepney and delivery truck collide in Cebu

Sa pahayag ng isa sa mga sumuko na kinilala lamang bilang si Alyas Renato, sinabi nito na nakita na nya umano ang tunay na gobyerno.

Nagpasalamat din ito sa tulong at suporta na ibinahagi sa kanilang pamilya.