2 estudyante na dadalo sa grand opening ng Kaogma Festival, nakunan ng drug paraphernalia

NAGA CITY – Dinagsa ang pagbubukas ng Kaogma Festival 2023 na ginanap sa Capitol Grounds Brgy. Cadlan, Pili Camarines Sur kahapon.

Kasabay nito ang paghigpit din sa seguridad ng mga personahe ng Civil Security Unit o CSU at PNP-Pili upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Sa kabila ng pagiging mahigpit sa mga pumapasok sa venue, dalawang estudyante na mula sa bayan ng Ragay at Sipoocot ang aksidenteng nakuhanan ng drug paraphernalia katulad ng Glass Pipe Tooter at isang rinolyong palara ng kaha ng sigarilyo, gayundin ang isang ziplock na mayroong residue ng pinatuyong dahon ng marijuana sa entrance.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Mahaharap sa paglabag sa kasong may kaugnayan sa illegal na droga ang dalawang estudyante n apareho nang  nasa legal na edad.

Sa assessment ng PNP, generally people naman ang aktibidad.