19 bayan sa Region 3 natanggap na ang mga bagong medical transport vehicles

Natanggap na ng labing-siyam na iba’t ibang bayan sa Central Luzon ang kanilang mga bagong medical transport vehicles.

Ito ay mula sa Department of Health Region 3 kasabay ng isinagawa nitong turn over ceremony kamakailan.

Read More:  PDEA, police dismantle alleged drug den in Davao del Sur

Ang mga bagong ambulansya ay bahagi ng patuloy na pagbibigay ng may kalidad na serbisyong pangkalusugan para magamit ng mga nangangailangan.

Ayon kay DOH Central Luzon Dir. Corazon Flores, layon rin nitong mapanatili ang maayos na kalagayan ng mga pasyenteng dadalhin sa mga health facility.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

PHOTO: DOH Central Luzon