Naitala ng Department of Health (DOH) ang 1,894 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para lomobo ang nationwide tally sa 2,813,115.
Mula sa naturang bilang, nasa 29,105 pa ang mga active cases, kung saan 63% dito ang mild, 5.7% ang asymptomatic, 16.70% ang nasa moderate cases, 10.2% ang severe, at 4.4% ang nasa kritikal na kondisyon.
Sa gitna nito, tumaas ang total recoveries sa 2,738,975, matapos gumaling ang 1,421 pang pasyente habang 170 nanamn ang bagong fatalities, dahilan para sumipa ang death toll sa 43,035.
Samantala, tumaas naman ang COVID-19 positivity rate sa bansa sa 5.5%, bahagyang mas mataas sa 4.9% positivity rate na naitala noong Huwebes.

Ito ay malapit na sa requirement ng World Health Organization na less than 5%.