18 anyos na binata, sinaksak ng nakaalitan nito sa Puerto Princesa

Sugatan ang isang 18 anyos na binata matapos saksakin ng nakaalitan nito sa Barangay Bagong Sikat sa Puerto Princesa City nitong nakalipas na Martes, ika-28 ng Pebrero 2023.

Ang biktima ay nakilala na si Jayvee Comozo, residente sa naturang barangay.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Ayon sa biktima, paglabas umano nya sa isang lamayan o burol, doon na siya sinugod ng tatlong kalalakihan pero nanlaban umano biktima,hangang sa pinalo na siya ng bote at nasaksak sa kanang braso.

Read More:  Coast Guard personnel killed, another wounded in Cotabato City shooting

Kalauna’y nagtungo sa Police Station 1 si Jayvee at doon ipina-blotter ang pangyayari.

Samantala, inamin ng biktima na may dati umano silang alitan ng isa sa mga gumulpi sa kanya.