17,000 aso at pusa target ng City Vet na mabakunahan kontra rabies

SORSOGON CITY – Patuloy ang pag-iikot ng Task Force Stray Dog ng Sorsogon City Veterinary Office sa 64 na mga barangay sa lungsod upang bakunahan kontra rabies ang lahat ng mga alagang aso at pusa.

Sa panayam ng Brigada News kay City Veterinarian Dr. Alexander Destura, sinabi nito na target nila ngayon ang nasa 17,000 na mga aso at pusa o 80% ng kabuuang bilang ng mga alagang hayop sa bawat household habang hindi pa kasama rito ang bilang ng mga asong gala o mga stray dogs.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur
Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Una rito, nanawagan ng kooperasyon ang opisyal sa mga pet owners upang mapadali ang kanilang pagbabakuna kasabay ng pagpapa-alala sa mga ito kaugnay ng pagiging responsableng pet owner.