Arestado ang limang (5) indibidwal habang tinutugis pa ang isa na suspek sa pagbiyahe ng mga pinaniniwalaang pekeng sigarilyo sa Sitio Maranan, Brgy. Calategas, Narra, Palawan.
Sa pinagsanib pwersa ng Provincial Investigation and Detective Management Unit ng Palawan Provincial Police Office- at Narra PNP, ganap na alas-diyes kagabi, June 8, 2022 ay nabolilyaso ang pagpuslit ng produktong tabako na ikinarga sa van.
Sakay nito ang anim na suspek kabilang ang driver na sina (1) (1)MAJERUN HASIM Y ORO, 50 ANYOS (2) KARIM HASIM Y INNOH, 37 ANYOS, (3) MARK JAYSON NARCEDAY CHAVEZ, 19 ANYOS (4) JAYMARK 17 ANYOS (5) BERNARD BARINGUEL Y CABUDAC, 20 ANYOS habang pinaghahanap ngayon ang isang REYNANTE TAWTAWAN matapos makatakas.
Ayon sa operatiba, walang mga Graphic Health Warnings ang mga yosi na ngayon ay iniimbestigahan na kung saan ginawa o nagmula.
Inaalam na rin kung sino ang may-ari ng van na kasamang kinumpiska bilang ebidensya.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10643 (The Graphic Health Warnings Law).