169 scholar ng TESDA sa bayan ng Labo nakatanggap na ng starter toolkits

CAMARINES NORTE – Nakatanggap na ng starter toolkits ang kabuuang isang daan at animnapo’t siyam na iskolar ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA sa unang distrito ng Camarines Norte nitong huwebes July 6, 2023 sa TESDA-Provincial Training Center, Iberica, Labo, Camarines Norte.

Ang mga naturang scholars ay mula sa Special Training for Employment Program o STEP na programa ng TESDA.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ang nasabing mga starter toolkits na ipinamahagi ay para sa apat na kurso kabilang ang Produce Concoctions and Extacts, Produce Organic Fertilizer, Construction Painting NCII, at Bread and Pastry Production.

Ang nasabing toolkits ay maglalaman ng mga kagamitan at kasangkapan na kailangan ng mga iskolar sa kanilang mga kurso. Kung saan inaasahang ang mga toolkits na ito ay magbibigay ng mga kagamitan na higit na makakatulong sa pagsasanay at pagpapaunlad ng kanilang mga kasanayan. Samantala, layunin ng programa na magbigay ng mga kasanayan at oportunidad sa mga benepisyaryo sa mga barangay at komunidad upang sila ay magkaroon ng trabaho at maging produktibo.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts