3 araw na public hearing kaugnay sa wage hike sa CALABARZON, isasagawa

Magsasagawa ng tatlong araw na public hearing ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board IV-A at Department of Labor and Employment kaugnay sa minimum wage adjustment ng mga manggagawa sa formal sector sa CALABARZON region.

Ayon sa ahensya, ang serye ng public hearing ay sisimulan ngayong araw ng Lunes, Agosto 7, sa bahagi ng Batangas City na gaganapin sa Batangas Provincial Capitol.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Magsisimula ang hearing mula ala-una hanggang alas-singko ng hapon kung saan inaanyayahan ang mga manggagawa na dumalo at makilahok sa usaping pasahod sa rehiyon.

Magsasagawa rin ng public hearing ang ahensya sa Trece Martires City sa Cavite sa Agosto 9 gayundin sa Biñan City, Laguna sa Agosto 11.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Ang naturang umento sa sahod sa rehiyon ang kasabay sa patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Sa kasalukuyan, ang minimum wage sa rehiyon ay PHP470 para sa non-agricultural workers; PHP429 sa agricultural workers; at PHP350 naman sa retail and service establishments na mayroong hindi lalampas sa 10 manggagawa.