15 Bicol MSMEs, nakatakdang dumalo sa Lifestyle Expo sa Japan

BNFM Bicol- NAKATAKDANG dumalo ang nasa 15 micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa 19th Lifestyle Expo sa Tokyo Big Sight, Japan sa darating na ika-3 hanggang 5 ng Hulyo. Magbibigay ito ng pagkakataon sa mga negosyante mula sa rehiyon na itampok ang kanilang mga premium export-quality products na inaasahang papatok sa merkado ng Japan.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Partikular na napiling dumalo ang mga MSMEs na ang pangunahing mga produkto ay gumagamit ng indigenous raw materials ng rehiyon gaya ng abaca, buko, at pili shells.

Kasama sa mga dadalo sa aktibidad ang walong MSMEs mula sa Albay, tatlo sa Camarines Sur, tatlo sa Catanduanes, at isa sa Masbate.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Samantala, pagkatapos umano ng expo ay idi-display ang mga produktong dala ng mga ito sa Philippine Embassy sa naturang bansa. # # # Nico Merciales, Intern

Photo from Lifestyle Week Japan