KORONADAL CITY- LABINLIMANG mga indigenous art masters sa South Cotabato ang inindorso para sa Gawad sa Manlilikha ng Bayan (GAMABA) o National Living Treasures Award, isang search para sa mga traditional artists sa Pilipinas.
Ayon kay GAMABA coordinator Reden Ulo na 13 mga masters sa larangan ng performing arts, music, oral traditions at weaving sa bayan ng Lake Sebu ang nominado, isang indigenous artist sa pagtugtog ng kulintang sa T’Boli at isang artist sa Polomolok na tumutugtog ng faglong.
Kamakailan lamang, nagtungo sa lalawigan ang mga researchers mula sa National Commission for Culture and the Arts o NCCA para sa documentation.
Ang susunod na grupo ng mga National Living Treasures ay pipiliin ng grand jury.
Umaasa naman si Ulo na may bagong Living Treasures na magmumula sa lalawigan.
Ang South Cotabato ay nakapag-produce na ng dalawang GAMABA, si Lang Dulay ng Lake Sebu, at Fu Yabing ng Polomolok.
