BICOL—Pumalo na sa 23,759 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos na magtala ng 149 na panibagong kaso ngayong araw.
104 nito ay mula sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan 28 ang mula sa Naga City, tig 17 ang bayan Pili at Tigaon, siyam sa bayan ng Ragay, lima sa bayan ng Calabanga, tig-apat ang bayan ng Magarao at Tinambac, tatlo sa bayan ng Sipocot, tigdadalawa ang mga bayan ng Baao, Bula, Lupi at Nabua at tig-iisa ang mga bayan Balatan, Buhi, Cabusao, Caramoan, Lagonoy, Libmanan, Minalabac, San Fernando at lungsod ng Iriga.
Mayroong namang 35 kaso ang lalawigan ng Sorsogon kung saan 19 nito ay mula sa Sorsogon City, pito sa bayan ng Castilla, anim sa bayan ng Juban, dalawa sa bayan ng Donsol at isa sa bayan ng Barcelona.
Pitong kaso ang nadagdag sa Albay kung saan apat nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, tig-isa ang bayan ng Manito, Polangui at lungsod ng Ligao.
Dalawang kaso naman ang nadagdag sa Masbate na mula sa bayan ng Aroroy at Masbate city habang mayroon namang nagpositibong mula sa labas ng Bicol.
Zero new cases ang mga lalawigan ng Camarines Norte at Catanduanes.
Samantala, umabot naman sa 135 ang mga bagong gumaling kung kaya sumampa na sa 19,380 ang total recoveries sa COVID-19 sa rehiyon.
50 sa mga bagong gumaling ay mula sa Masbate, 45 sa lungsod ng Naga, 18 sa Sorsogon, 13 sa Camarines Sur at siyam sa Catanduanes.
Pumalo naman sa 918 ang death toll matapos na madagdagan ng 21 bagong pagkasawi kung saan 20 nito ay mula sa Sorsogon at isa sa Camarines Sur.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.
𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.# || slm
