13,000 MT ng imported galunggong, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang mahigit sa 13,000 metric tons ng imported na isda kabilang na ang Galunggong.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), dumating ang 13,856.64 metriko tonelada ng imported na mga isda, ilang araw bago matapos ang tatlong buwang closed fishing season sa Palawan sa Enero 31.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Maliban sa Galunggong, ang dumating na frozen imported fishes ay kinabibilangan ng round scad, big-eye scad, mackerel, bonito, at moonfish para sa wet market.

Ito ay 55% ng 25 metric tons ng imported fishes sa bansa.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Ayon sa BFAR, ang dumating na suplay ay malaking tulong para matugunan ang pangangailangan ng publiko.

Sa kabila ng ipinatupad na close fishing season ay naging estable umano ang presyo ng galunggong sa bansa.