125 NA PAMILYA SA AMULUNG, CAGAYAN, NAGTAPOS NA SA 4Ps

Nagtapos na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development Region 2 ang 125 na miyembro nito sa Amulung, Cagayan.

Ito ay matapos ang isinagawang “Pammadayaw na Paggradua” na naglalayong kilalanin at pahalagahan ang pagsisikap ng bawat benepisyaryo ng nasabing programa.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Pinangunahan naman ni Regional Director Lucia Alan ang seremonya ng pagtatapos ng mga miyembro ng 4Ps na nakamit na ang self-suffiency sa antas ng kanilang pamumuhay.

Alinsunod sa batas na magtatapos ang isang benepisaryo sa oras na ang kanilang pamilya ay wala ng edad 0-18 na kailangang i-monitor o i-rehistro sa 4Ps.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Samantala, nilagdaan na rin ng Local Government Unit kasama ang mga stakeholders at ng DSWD ang Specific Implementation Agreement o SIA na gagabay sa pamilya ng benepisyaryo katuwang ang ahensiya sa “transition phase” upang masiguro na hindi na muling babalik pa sa laylayan ang bawat pamilya.