12% mga sasakyang bumubuga ng maitim na usok sa Naga City, naitala; air pollution maganda pa ang kondisyon – CENRO

NAGA CITY – Naitala ang 12% mga sasakyan sa Naga City, ang bumubuga ng maitim na usok, na kadalasang mga pampublikong sasakyan o jeep ang hindi pumapasa sa emmision test sa Anti Smoke Belching ng City Environment and Natural Resources Office.

Ito ang napag-alaman kay Jayson Vargas, Pollution Control and Wastewater Management Division Officer in Charge ng CENRO, kung saan sa kabila ng malaki ang kontribusyon nito sa mas matindi pang init ng panahon, makikitang may pagbawas kumpara sa mga dati nang naitala/ na nasa 50% noon, at masasabe ngayon na maganda pa ang air pollution sa lungsod.

Kaya lamang para sa mga hindi pumapasa, kasama ang mga labas-masok na mga sasakyan sa lungsod, citition ticket at penalidad ang haharapin na humahantong sa pagkakompiska kapag paulit-ulit ang naging paglabag.

Maliban sa layunin na maprotektahan ang kalikasan, disiplina rin ang kailangan lalo na’t sagabal din ito sa kanilang hanap-buhay na kailangan nilang pangalagaan, katulad ng pag-change oil ng sasakyan, maintenance at iba pa, ayon pa sa opisyal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *