12 katao sakay ng isang van arestado dahil sa paglabag sa social distancing

CASTILLEJOS- Arestado ng Castillejos Municipal Police Station ang labindalawa katao dahil umano sa paglabag sa social distancing.

Sa report ng PNP, nitong Sabado sa checkpoint sa national highway ng Bgy. Del Pilar, ay pinahinto ang isang itim na Toyota Hi-ace van.

Sakay umano nito ang labindalawa katao na di umanoy nagmula sa Iba, Zambales at patungo sana ng Angeles, Pampanga.

Nang gawin ng mga otoridad ang beripikasyon sa kung residente ba talaga ang mga ito lalawigan ay tumanggi pa muna ang labing-isa maliban sa driver na nagpakilala.

Sa huli ay napag-alaman rin ng kapulisan na pawang residente ang mga ito ng Zambales pero dahil sa malinaw na paglabag umano sa social distancing ay kinasuhan ang mga ito ng RA 1132 at Art ng RPC o Disobedience of a Person in Authority.

Samantala, binigyang diin ni ZPPO Director Pcol. Romano Cardiňo na magpapatuloy ang mga checkpoint operation para matiyak na naipatutupad ang minimum health safety protocols.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of ‎text that says '‎SHOP NOW! Lazada High levels of Vitamin c helps reduce allergy risk. Calcium buffers the acidic stage of an allergic reaction as well it helpsreduce helps allergy risk too. 100Ca ۔ GUARD-C VITAMIN ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C www.a-‎'‎

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *