Napaulat ng Department of Health (DOH) ang 10,623 na mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019, na pinakamataas na daily infections na naitala simula noong April 17, dahilan para sumipa ang nationwide tally sa 1,638,345.
Ito ay sa kabila na bigong nakasumite ng kanilang datos ang limang laboratoryo.
Dahil sa mga bagong infections, lomobo pa ang kabuoang bilang ng active cases sa 74,297, na pinakamataas rin simula noong April 26.
Mula sa naturang bilang, 94.8% ang nakaranas ng mild symptoms, 1.2% ang asymptomatic, 1.8% ang severe, at 1% ang nasa kritikal na kondisyon.
Samantala, inanunsyo rin ng DOH ang total recoveries na 1,535,375, matapos na gumaling ang 3,127 pang pasyente mula sa respiratory disease, habang 247 ang mga bagong fatalities, dahilan para tumaas ang death toll sa 28,673.// MHEL PACIA-TRINIDAD
