106 volcanic quakes naitala sa Bulkang Bulusan

SORSOGON CITY—Patuloy ang abnormal seismic activity ng Bulkang Bulusan matapos itong makapagtala ng 106 na volcanic earthquakes kabilang ang 48 volcanic tremors sa nakalipas na 24-oras.

Batay sa pinahuling bulletin ng Phivolcs, patuloy ang malakas na pagsingaw ng bulkan na umaabot sa 500 metrong taas papunta sa kanluran hilgang kanlurang direksyon.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Nasukat sa 4,627 tons per day ang Sulfur dioxide (SO2) na ibinubuga ng bulkan, mas mataas kumpara sa mga nagdaang araw.

Sa ngayon ay nananatili sa Alert Level 1 ang estado ng bulkan na nangangahulugan ng patuloy na abnormalidad sa aktibidad nito.

Kaugnay nito ay patuloy ang babala sa mga residenteng malapit sa bulkan na possible ang biglaang steam-driven o phreatic eruptions sa bulkan.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Muling ipinaalala ang pagbabawal sa pagpasok sa four-kilometer permanent danger zone (PDZ) at ibayong pag-iingat two-kilometer extended danger zone (EDZ).

Bawal din ang paglipad ng mga aircraft malapit sa bulkan.###