101 drivers sa Koronadal, GenSan, negatibo sa illegal drugs

KORONADAL CITY — NAGNEGATIBO sa illegal na drogra ang 101 na mga drivers at konduktor ng mga public utility vehicles o PUV’s sa General Santos City at Koronadal City na isinailalim sa surprise random drug test ng PDEA-12.

Bahagi ito ng Oplan: HARABAS ng PDEA-12 at Oplan Byaheng Ayos Undas 2022 ng LTO-12 at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB-12.

Read More:  PDEA seizes marijuana parcels, arrests one in Aklan

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Kath Abad, information officer ng PDEA-12, layunin umano ng nasabing hakbang na masiguro na wala sa impluwensiya ng illegal na droga ang mga driver at konduktor lalo na ngayong Undas.

Read More:  12 youths hospitalized in Koronadal after eating poisonous tuba-tuba fruit

Dagdag pa nito na maliban sa random drug testing nagsagawa rin ng K9 sweeping and paneling at information dissemination ang ahensya sa Integrated Public Terminal ng Koronadal.

Napag-alam na sa oras na may magpositibong driver o koduktor agad itong isasailalim sa screening test at kukuhanan ng drivers license.