10-year Driver’s License ilalabas na sa Oktubre; LTO-Sorsogon nilinaw na hindi ito para sa lahat

SORSOGON CITY – Inihayag ng Land Transportation-Sorsogon na ilalabas na nila simula sa Oktubre nitong taon ang mga driver’s license na may 10-taong validity mula sa limang taong validity.

Ngunit nilinaw ni LTO-Sorsogon chief Grace Rojas na hindi ito para sa lahat sa halip, para lamang ito sa mga drivers na may ‘’good standing’’ o walang record na anumang uri ng paglabag sa Land Transportation and Traffic Code (RA 10930) at sa iba pang traffic laws, rules and regulations.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Paliwanag ng opisyal, kapag ang driver’s license possessor ay mayroong ‘demerit point,’ hindi siya makaka-enjoy nitong 10-year validity.

Ayon pa dito, bawat paglabag  ng isang driver sa LTO Traffic Code o sa iba pang traffic laws, rules and regulations ay kabawasan sa kanyang tsansang magkaroon ng 10 taong lisensya.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Nilinaw pa ng ahensya na ang 10-taong validity ay para lamang sa mga renewing licenses at hindi sa mga bagong non-professional at professional driver’s license na mananatiling may 5-year validity.