1 taong gulang na bata at 2 pang sakay ng tricycle, sugatan nang mahagip ng tren sa Camalig, Albay

LEGAZPI CITY – Sugatan ang tatlong sakay ng isang tricycle na kinabibilangan ng isang taong gulang na bata matapos itong mahagip ng tren sa Brgy. Taladong, bayan ng Camalig, Albay kahapon.

Base sa CCTV footage sa lugar, makikita na walang katau-tao sa riles at tanging maririnig ay ang sunud-sunod na pagbusina ng paparating na tren.

Read More:  Man found handcuffed, tied inside septic tank in Davao City

Makalipas ang ilang minuto’y dumating ang tricycle at dire-diretso sa riles upang tumawid, subalit bigla itong tumigil at umatras.

Pagdaan ng tren, nahagip nito ang side car ng tricycle at tumilapon ang tatlong sakay nito.

Samantala, napag-alaman naman sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Punong Barangay Ameldo Navia na ang driver ng tricycle ay dati na ring nasangkot sa kaparehong insidente ilang taon na ang nakakaraan.

Read More:  Top NPA leader killed in Surigao del Sur encounter

Kaugnay ng insidente, nakapag-deploy na sila ng dalawang tanod sa may riles upang magbantay at hindi na maulit pa ang nangyari.

Kasalukuyang nagpapagaling ang mga biktima at pinaalalahanan naman ang lahat ng mga residente na magdoble ingat tuwing dadaan sa riles.