1, patay matapos tamaan ng kidlat sa Guian, Eastern Samar

Patay ang isang empleyado ng minahan habang pito ang sugatan matapos matamaan ng kidlat sa Brgy. Casiguran, sa Isla ng Honomhon, Bayan ng Guian, Eastern Samar.

Kinilala ang nasawi kay alyas Aljon, 33 anyos, in-charge sa equipment monitoring ng minahan sa lugar, samatalang nakaramdam ng pagkahilo at pangingisay ang pitong biktima dahil sa pagtama ng kidlat.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ayon sa report ng Guiuan Municipal Police Station, nakaranas ang nasabing isla ng malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat, banda alas onse ng umaga kahapon.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Tinamaan umano ng kidlat ang mga nakasilong sa isang cottage sa bisinidad ng naturang minahan.

Napag-alaman ding dalawa sa mga bikitma ay ay gumagamit ng celphone nang tumama ang kidlat. (with reports from JASON DELMONTE – 93.5 BNFM TACLOBAN)