Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Spanish authorities sa posibleng terrorist incident matapos na salakain ng isang machete-wielding man ang ilang tao sa dalawang simbahan sa southern port city ng Algeciras na ikinamatay ng isang indibidwal.

Kinilala ng pulisya ang biktimang napatay na si Diego Valencia, isang sakristan sa simbahan ng Nuestra Senora de La Palma habang ang parish priest ng San Isidro na si Antonio Rodriguez ay kabilang sa mga nasugatan at nasa malubha ngayong kondisyon.
Agad na naaerto ang suspek ngunit hindi naglabas ng kanyang pangalan o nasyunalidad.
Pero ayon sa ulat, ang suspek ay isang 25 na taong gulang na Moroccan.//CA