1, 930 indibidwal binakunahan kontra COVID- 19 noong nakaraang buong linggo

CAMARINES NORTE- Umaabot  sa 1, 930 indibidwal ang nabakunahan kontra COVID- 19 sa Camarines Norte noong nakaraang buong linggo o mula Agosto 29 hanggang Setyembre 2.

Batay ito sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center as of September 3, 2022, alas 8 ng umaga.

Noong Agosto 29 araw ng Lunes ay ang Daet lang ang nagsagawa ng pagbabakuna na mayroong 66.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Pinakamarami naman ang nabakunahan noong Biyernes, Setyembre 2 na nasa 482 sa buong lalawigan.

Ang Daet ang nakapagtala ng pinakamaraming nabakunahan noong nakaraang buong linggo na nasa 475.

Sinusundan ito ng Mercedes na nakapagbakuna ng 381 indibidwal, Vinzons 266, Labo 162 at Basud na may 139.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Naghababol naman ang Paracale na nakapagbakuna ng 133 indibidwal at Sta Elena na mayroong 111.

Habang ang Jose Panganiban ay may 80, Capalonga 77, Talisay 42 at may tig 32 ang San Lorenzo Ruiz at San Vicente.

Sa kabuuan nasa 81. 4 percent na ng target population na 434, 382 ang nabakunahan sa buong lalawigan.