𝗧𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗔𝗜𝗚𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗣𝗛𝗘𝗥𝗡𝗔𝗟𝗜𝗔, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖

Nagpaalala ang COMELEC sa lahat ng mga kandidato na sumunod sa mga alituntunin hinggil sa tamang paglalabas ng mga gamit sa pangangampanya ngayong Barangay and SK Elections (BSKE).

Sa naging panayam ng Brigada News Team kay Cauayan City Election Officer Atty. Christopher Thiam, hindi na aniya naaangkop ang 3×8 ft na tarpaulin.

Read More:  Massive Davao City fire leaves 200 families homeless

Aniya, ang barangay election ay non-partisan o walang kinikilingan at ang 3×8 ft na banner ay pwede lamang na ilagay sa headquarter ng kandidato o sa kanilang mismong bahay.

Batay naman sa COMELEC ang standard size ng mga campaign materials ay nasa 2×3-feet.

Read More:  Drunk brother-in-law kills mother, injures teen over ₱500 debt in Negros Oriental

Hindi rin maari na maglagay ng mga materyales sa mga pampublikong lugar maging sa mga poste ng kuryente at mga puno.

Ang sinumang mapapatunayang lalabag sa batas ay maaaring makulong ng isa hanggang anim na taon, tuluyang pagkaka-diskwalipika sa anumang posisyon sa gobyerno, posibleng tanggalan ng karapatang makaboto at maaring ma-disqualify sa pagiging kandidato.