𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗣𝗘𝗥 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗡𝗔

Matapos ang apat na araw na paghahanap, kinumpira na ng Isabela Incident Management Team ngayong umaga na natagpuan na ang nawawalang Piper Plane.

Sa natanggap na impormasyon ng Brigada News Team mula sa IMT, nahanap ng PAF Sokol Helicopter ang nawawalang piper plane sa kanilang isinagawang aerial search.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Kaugnay nito, hindi pa malaman ang kalagayan ng mga pasahero nito na sina Captain Levy Abul II at Erma Escalante dahil hindi pa makalapit ang helicopter ng PAF sa lugar kung saan natagpuan ang nawawalang Piper Plane.

Samantala, sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Joshua Hapinat, ang tagapagsalita ng Incident Management Team, lahat aniya ng mga rescue teams ay papunta na sa lokasyon ng piper plane.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Matatandaan na ang naturang piper plane na may tail number na RP-C1234 ay naiulat na nawala ilang sandali matapos umalis sa Cauayan Airport sa Isabela noong Huwebes, Nobyembre 30,patungo sa Palanan Airport.