𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝗣𝟯𝟬-𝗠 𝗡𝗔 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗬𝗔𝗟, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗗𝗔 𝗥𝗙𝗢𝟮

Aabot sa halos tatlumpung milyong piso ang halaga ng financial grant assistance ang ipinamahagi ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 sa mga young farmers, Farmers Cooperatives and Associations at Local Government Unit.

Ito ay kasabay ng isinagawang pagbubukas ng apat na araw na KADIWA Trade Fair.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ayon sa kagawaran, mahigit P27,000,000 aang ipinamahaging tulong pinansyal sa mga FCA at LGU sa ilalim ng Kadiwa Financial Grant Assistance Program habang sampung sertipikadong FCA naman ang nabigyan ng P200,000 na halaga ng packaging at labelling materials.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Sa mga young farmers sa rehiyon na nanalo sa Young Farmers Challenge (YFC) Program sa Regional level sa pamamagitan ng kanilang agri-business model canvas ay nabigyan ng P2.1-M.

Samantala, magtatapos hanggang bukas, November 12, 2023 ang KADIWA Trade Fair kung saan mayroong lumahok na 50 local producers at processors.