Nakatanggap ng tulong pinansyal ang 658 na magsasaka sa Claveria, Cagayan na benepisaryo ng National Irrigation Administration sa ilalim ng Rice Contract Farming Program.
Aabot sa P7, 407, 726.98 ang halaga ng unang tranche na ipinamahaging tulong pinansyal sa mga magsasakang miyembro ng 12 Irrigators at Farmer’s Association sa nasabing bayan.
Ang naturang pamamahagi ay kasabay ng Lakay-Lakay Labig Festival kung saan nagsilbing panauhing pandangal si NIA Administrator Eduardo Eddie Guillen.
Isa ang Rice Contract Farming sa mga flagship program ng ahensya bilang suporta sa Rice Sufficiency Program ng pamahalaan upang makamit ang food security.