𝗥oad concreting sa 𝗕arangay 𝗦idem 𝗚attaran 𝗖agayan, natapos na

Natapos na ng Department of Public Works and Highways-Cagayan 1st District Engineering Office (DPWH – CFDEO) ang road concreting project sa Barangay Sidem, Gattaran, Cagayan na nagkakahalaga ng 7.9 million pesos.

Ito ay may habang 433.5 meters at lapad na 6.10 meters at mayroong 1.0 meter gravel shoulder sa magkabilang panig.

Ipinatupad ito sa pamamagitan ng Convergence and Special Support Program-Basic Infrastructure Program.

Ayon kay District Engineer Oscar G. Gumiran, layunin ng proyekto na mas mapabilis ang transportasyon at paglalabas ng produkto ng mga residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *