Sinira ng magkatuwang na pwersa ng Tinglayan Municipal Police Station, 2nd Kalinga Police Mobile Force Company at iba pa ang nasa P2,100,000 na halaga ng tanim na Marijuana sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Kalinga Police Provincial Office, ang mga sinirang tanim na marijuana ay mula umano sa dalawang plantation sites sa lugar.
Kabuoang 10,500 na piraso ng fully grown marijuana na nakatanim sa 1,050 square meters na lupain sa Buscalan ang sinira.
Ang naturang operasyon ay makakatulong umano sa pagbawas ng mga Barangay sa Tinglayan na apektado ng iligal na droga.
Samantala, wala namang nahuli sa nasabing aktibidad ngunit nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang monitoring ng otoridad sa lugar upang masawata ang kahalintulad na iligal na gawain.