𝗣𝟭.𝟬𝟬 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗡𝗜𝗠𝗨𝗠 𝗙𝗔𝗥𝗘 𝗦𝗔 𝗝𝗘𝗘𝗣𝗡𝗘𝗬, 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢

Epektibo na sa araw ng linggo, October 8, 2023 ang pansamantalang dagdag na isang pisong pamasahe sa mga pampasaherong jeep.

Batay sa inilabas na abiso ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, ang pamasahe na sa tradisyonal na jeep ay P13.00 habang P15.00 naman sa Modern Public Utility Jeepney.

Ipinunto ng LTFRB na ito ay provisional fare increase lamang kung saan ibig sabihin ay pansamantalang pagtaas upang matugunan ang kahilingan ng mga transport group na taasan ang pamasahe dahil sa patuloy na pagsirit sa presyo ng produktong petrolyo.

Bukod dito, nilinaw rin ng ahensya na hindi na kailangan ang pagpaskil ng taripa o fare matrix dahil minimum fare lamang ang may dadag pisong pamasahe hindi na ang mga susunod pang kilometro.

Kasabay nito, binigyang diin ang pagbibigay ng 20% discount sa senior citizens, Persons with Disability (PWDs), at mga estudyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *