Pinangakuan umano si alyas Bong, 39-anyos na susuportahan ng isang grupo ang pag-aaral ng kaniyang anak na nagsanhi ng kaniyang pag-anib sa kilusan ngunit kalauna’y hindi natupad.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Cagayan Police Provincial Office, si alyas Bong na dating suporter ng makakaliwang grupo ay kusang sumuko sa PNP Sta. Teresita, 4th Mobile Force Platoon, 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company at iba pang law enforcement agency.
Salaysay nito, nang dumating umano ang ilang miyembro ng kilusan sa kanilang lugar ay hiniling umano ng mga ito na pansamantalang manirahan ditto na agad naman nitong pinagbigyan.
Hinikayat umano siyang umanib sa kanila kapalit ng suporta ng pag-aaral ng kaniyang mga anak na nagsanhi upang naging aktibo ito sa mga aktibidad na isinasagawa ng grupo.
Kaugnay dito, wala umanong natupad sa mga ipinangako sa kaniya dahilan upang magbalik loob ito sa pamahalaan sa pamamagitan ng NTF-ELCAC.