𝗠obile dryers para sa mga magsasaka, isa sa nakikitang tugon sa mababang mechanization sa post-harvest

Pinag-uusapan na ng Department of Agriculture Regional Field Office 2, PhilMec at PhilRice ang pagkakaroon ng mobile dryers ng mga magsasaka upang matugunan ang problema sa mechanization sa post-harvest at pagpapatuyo ng palay.

Ipinaliwanag ni DA Regional Executive Director Rose Mary Aquino na ang farm mechanization sa aspeto ng land preparation ay halos 100% na subalit may nakikitang kakulangan sa post-harvest.

Aniya, mahalagang pagtuunan ng pansin ang mechanization sa post-harvest at pagpapatuyo ng palay upang mapataas ang level of sufficiency kasabay ng pagpapababa ng production cost at pagkalugi ng mga magsasaka.

Ang mga ipinapamahaging binhi at input aniya ng kagawaran ay katumbas lamang ng 30% sa input investment cost ng mga magsasaka kung saan sa kabuoan nilang production cost kada-ektarya ay nasa 15-18% lamang ito.

Dahil dito, kailangang sapat ang post-harvest facilities sa rehiyon upang maiwasan na makagpatala ng malaking pagkalugi ang mga magsasaka at tiniyak naman ng opisyal na kasabay ng mechanization at modernization ay ang pagbaba dapat ng production cost.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *